Alden Richards Foundation, at Casino Plus, katuwang ang Powerhouse Jury sa pagpili ng ‘Hero for All’ Awardees

0
48

Kabuuang PhP 20 Million nakalaan para sa Hero for All Awardees at partner Community/Organization mula sa Casino Plus

Taguig City, Philippines, 08 May 2026 — Sa pambihirang pagkakataon, pinagsama-sama ng AR Foundation at Casino Plus ang mga pinaka respetado at mga kilalang personalidad na pipili sa mga paparangalang “Hero for All”—isang award giving body na kumikilala sa kabayanihan ng mga ordinaryong Pilipino.

Sa Final Deliberation, masusing inevaluate ng powerhouse jury ang mga nominado batay sa ipinamalas nilang malasakit, sakripisyo at tulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit—mga kwentong sumasalamin sa diwa ng Pilipino at nag-i-inspire sa kanilang komunidad na maging kabahagi ng makabuluhang pagbabago.

Ang mga qualified nominee ay Filipino residents, 21 years old pataas, at may documented acts of heroism o community contribution sa loob ng huling limang taon. Kasama rin sa validation process ang mga supporting evidence gaya ng photos, videos, o published articles tungkol sa kanilang kabayanihan.

Para sa Casino Plus, isa sa mga leading responsible entertainment and gaming platforms na lisensyado ng PAGCOR, mahalagang makapagbigay pag-asa at inspirasyon lalo na sa mga panahong halos lahat dumaraan sa pagsubok: “Ang kabayanihan, nagsisimula sa kagustuhang makatulong at magbigay gaano man kaliit. Saludo kami sa mga Pilipinong kinakaya ang hamon at gumagawa ng paraan para mainspire ang mga tao sa paligid na gumawa ng tama. Through this initiative, we hope to honor their stories at ipaalala sa mga Pilipino na kahit ang small acts of kindness ay pwedeng magkaroon ng malaking impact.”

“Napaka-importante ng mga initiatives gaya ng ‘Hero For All’ ngayon dahil pinapaalala nito sa mga tao na ang heroism ay hindi lang para sa mga sikat, may kapangyarihan, o may matataas na position. Batid natin na marami sa mga bayani tahimik na lumalaban sa buhay, ang mga kwento ng mga ordinaryong Pilipino na may extraordinary acts of kindness ay nagbibigay muli ng pag-asa,” sabi ni Alden Richards, AR Foundation founder at Casino Plus Lead Advocate.

Para masiguro ang fairness, integrity, at accountability ng buong proseso pumili ng mga respected leaders mula sa media, civil society, academe, at government para maging bahagi ng jury panel:

– Joy Flavier-Alampay, Director ng Ramon Magsaysay Transformative Leadership Institute

– Tina Arceo-Dumlao, Business Features Editor ng Philippine Daily Inquirer

– Ma. Teresa Habitan, Vice Chancellor ng Philippine Tax Academy

– Ramon P. Tuazon, Secretary General ng Asian Institute of Journalism and Communication

– Daniel Cecilio, Senior Vice President for Land-Based Operations ng PAGCOR

– Alden Richards, award-winning actor at AR Foundation founder

Halos isang buwan matapos ang official launch sabay sa Araw ng Kagitingan, daan-daang nominations ang natanggap mula sa social media, sa Casino Plus website, at endorsements mula sa mga NGOs at LGUs mula April 10 hanggang May 1, 2026 

“Lahat ng na-nominate ay nagpakita ng extraordinary goodness—hindi dahil inutusan sila, kundi dahil kusa itong lumabas sa puso nila. We all need heroes in our lives,” dagdag ni Joy Flavier-Alampay, Director of the Ramon Magsaysay Transformative Leadership Institute.

Ayon naman kay Maria Teresa Habitan, Vice Chancellor of the Philippine Tax Academy, “Ang talagang nag-stand out ay kung paano nila inuna ang iba, so it’s compassion that’s lived and acted upon.”

Mula sa daan-daang entries, ang mga shortlisted nominees ay umabante sa final jury deliberation. Sa pagpili, isinaalang alang ni PAGCOR SVP for Land-based Operations Daniel Cecilio ang qualities ng Hero for All: “Ang isang hero for all ay someone who embodies selflessness—’yan ang number one. Courage, inclusivity, at long-lasting impact. At lahat ng ito ay dapat consistent. ‘Yun ang kailangan.

Gamit ang isang malinaw na scoring framework, masusing ini-screen ng mga juror ang bawat nominee na may tsansang manalo ng PhP500,000 pesos na maari nilang magamit sa pagpapatuloy ng kanilang adbokasiya. Makatutulong din sila sa mga komunidad o organizations na bibigyan din ng PhP 500,000 bilang suporta sa kanilang makabuluhang proyekto. 

Business Editor Tina Arceo-Dumlao, “These stories give me hope na marami pa ring kabutihan sa paligid natin. Napapanahon ito sa gitna ng mga negativity ngayon.

Isang grand awarding ceremony tampok si Alden Richards kasama ang award-winning journalist na si Pinky Webb ang gaganapin sa August 31, 2026, kasabay ng National Heroes Day.

RESPONSIBLE GAMING ADVISORY Ayon sa Responsible Gaming Code of Practice ng PAGCOR, nagpapaalala ang Casino Plus:

– Ang gaming ay para sa entertainment purposes lamang. Hindi ito dapat ituring na source of income o financial relief. Play responsibly and within your means.

– Winning is never guaranteed. Ang lahat ng outcomes ay determined by chance. Ang past results ay hindi predictor ng future outcomes.

Tungkol sa Casino Plus

Ang Casino Plus ay isang pinagkakatiwalaang online casino platform sa Pilipinas, na lisensyado at pinamamahalaan ng PAGCOR. Ang kumpanya ay nakatuon sa pagbibigay ng isang ligtas, patas, at nakakaaliw na digital entertainment experience, na ginagabayan ng mga prinsipyo ng responsible gaming at proteksyon para sa mga manlalaro. Sa patuloy nitong paglago, ang Casino Plus ay kinikilala na ngayon bilang isa sa mga nangungunang online casino platforms sa bansa, na pinagsasama ang kahusayan sa larangan ng entertainment at ang mga makabuluhang inisyatiba para sa corporate social responsibility.

PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON:

Please email: Communications&CorporateAffairs@igo.ph or Communications&CorporateAffairs@hotelstotsenberg.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here